Ministry of Altar Servers

Ministry of Altar Servers
Official Logo

Lunes, Pebrero 4, 2013

MASS


Ministry of Altar Servers / Samahan ng mga Lingkod Altar

Uri o Kadahilanan at Pangangailangan ng Pagkakatatag:
            Isang samahan at kapatiran ng mga piling kabataan na binuo para sa dalawang pangunahing gampanin: Una, ay ang pagpapalaganap ng bokasyon ng Pagpapari. At ikalawa, ay ang pagtulong sa kaparian sa pagdiriwang ng Banal na Misa at iba pang gawaing pang-Liturhiya at Para-Liturhiya.

Ang samahan ay binubuo ng:
            Piling kabataang lalaki, mga Tagapayo, mga Magulang, at Punong Tagapayong Ispirituwal

Mga Gampanin at mga Responsibilidad:
Pagpaplano:
1)    Pagpapaunlad ng mga layunin – Pagaralan ang mga pangangailangan ng samahan, at pagbuong muli ng Vision, Mission, Core Values, Priorities, Duties & Responsbilities ng samahan.
2)    Pagpapaunlad ng mga pamamaraan – Itaguyod ang batas ng samahan, lalong higit ng simbahan, pati na din ang mga katuruan nito at pagsunod ng maayos sa Liturhiya.
3)    Pagpapaunlad ng mga patakaran – pagaralan ang iba’t ibang epekto nito, pagsangguni sa ibang tao higit sa lahat ng mga magulang at mga tagapayo.
4)    Pagpoprograma – Maghanda ng mga Programa, Plano, Proyekto, at Gawain na may Apat (4) na buwan na pataan, pagsangguni ito sa mga tagapayo higit sa lahat sa Punong Tagapayong Ispirituwal at Kura Paroko; at pagbabalik ng Annual Ministry Planning sa sembreak.
5)    Pagpaplano ng mga Gawain –Lingguhang paggawa ng iskedyul. Mahigpit na pagsunod dito.
6)    Pagbabadget – makamit ang kahigitan ng kung anong meron ang samahan.
7)    Pagtataya – pagsusuri sa mga ulat, paguusap tuwing officer’s meeting at higit sa lahat pagbalik tanaw sa mga papeles ng mga ulat.

Pag-organisa:
1)    Pagpapaunlad ng istrakturang pang-organisiyasiyon – paggawa ng pagaaral sa kung anu-anong pusisyon ng isang opisyal ang kinakailangan at magiging epektibo.
2)    Pagdedelegasyon – Paglilimi at pagwawari-wari sa mga naiisip na may kakayahan.
3)    Pagpapaunlad ng mga Relasyon – sa pamamagitan ng pagkakapatirang aktibidad, paghuhubog inpormal at paminsan-minsang pagkikita upang magkasiyahan.

Pamumuno at Pag-impluwensiya:
1)    Paggawa ng mga Desisyon – sa tulong ng pagaalis ng mga hadlang at salamn na nakaharang sa bawat nakakataas at isang miyembro. Paglapit sa mg kinauukulan para sa kanilang mga suwesityon / “inputs”, pagtingin dito at mga payo. Paghingi ng mga opinion at ideya ng mga miyembro higit sa lahat sa mga opisyales.
2)    Komunikasiyon – sa pamamagitan ng mga sulat na ipinapadala sa mga magulang, “social networks”, “texts messages”, pagtatawagan, pagkikita-kita, at madalas na paguusap ng bukas sa loob.
3)    Pag-Ganyak – sa pamamagitan ng mga gantimpala, sertipiko, pagbati sa mga nakamit (Facebook, at Bulletin), sa pagkukwento ng nakakaganyak na istorya at higit sa ang paghuhubog na sa sarili nila manggaling ang ganyakin.
4)    Pagpili ng mga Tao – sa pamamagitan ng pagtatabing-tabing, pagpapanawagan, mga panayam, mga pagsusulit oral, at higit sa lahat ang “Friendly Evaluation”.
5)    Pagpapaunlad ng Pagkatao – sa pamamagitan ng Paghuhubog inpormal at pormal, ang pagbuong muli ng Modyul / Modulo at higit sa lahat ang pagpapalago ng pakikipagkapwa.

Pamamahala:
1)    Pagpapaunlad ng mga Pamantayan ng Paggawa – Pagbubuong muli ng “By-Laws”
2)    Pagsukta ng Paggawa – sa pamamagitan ng “Server’s Schedule” sa kung pumalya, humalili, o gumanap sa tungkulin ang isang miyembro, at pati na din sa mga komento ng ibang tao, higit sa lahat mula sa sacristan mayor, MBG. Music Ministry, SMW, at EMHC.
3)    Pagtasa ng Paggawa – sa pamamagitan ng pagsisiyasat at ng pag-uulat.
4)    Pagtama sa mga Paggawa – pagsuspinde (di pagkakaroon ng iskedyul ng paglilingkod, pakumpiska ng sotana, pagbibigay ng pisikal na parusa, pakikipagusap sa magulang, pakikipagusap sa miyembro/pinagsasabihan), at paghingi ng mga suwestiyon.



Ang samahan ay may pananagutan sa: Mga Magulang, Punong Tagapayong Ispirituwal, Punong Lupon sa Pagsamba at Liturhiya, Konsehong Pastoral ng Parokya at Kura Paroko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento